Home OPINION NANGINGINIG NA MGA TUMBONG

NANGINGINIG NA MGA TUMBONG

182
0

NAGDEKLARA na si Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pagka-presidente sa 2028 national elections.

Ito ay deklarasyon na hindi na ikinagulat ng marami, bagkus ay inaasahan at hinuhulaan pa nga na MAGKAKATOTOO.

Kung kaya matapos ang deklarasyon ni VP Sara, NANGINGINIG na ang TUMBONG ng mga taong umapi, pilit na sumira at bumaboy sa kanya at sa kanyang pamilya sa mga nakalipas na taon.

Malamang ay nag-iisip na sila kung paano nila SASAGIPIN ang mga SARILI.

Kung MAGTATAGO ba sila…o TATALON na rin sa mga PALUBOG na nilang BANGKA bago pa sila MAGKAHETOT- HETOT.

Bwar, har, har! Gudlak!

##

Tatakbo si VP Sara bilang presidente ng bansa hindi dahil sa kanyang ambisyon o dahil mayroon siyang numero, milyong-milyong tagasuporta na nariyan pa rin o alyansa.

Tatakbo siyang presidente at iyon ay mangyayari dahil ito ang panawagan sa kanya ng sambayanang Pilipino — ang ibalik ang sinirang dangal ng Pilipinas ng mga naghaharing mga buwaya sa kasalukuyan.

Sa panahong ito na pagod na pagod na ang mga Pilipino sa mga pinunong kumikilos na parang sarili nilang kaharian ang Malacañang, marami ang nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa.

###

Kakaiba sa lahat ang naging deklarasyon ni VP Sara.

Karamihan sa mga tumatakbo ay upang magkaroon ng kapangyarihan. Siya ay hindi. Ang nais niya ay ang pagpapanumbalik ng moralidad at dignidad.

Kahanga-hanga ang paghingi niya ng tawad na siya ay NAGKAMALI sa pagtulong para maluklok si Bongbong Marcos na puminsala at lalong naglubog sa ating bayan.

Ang paghingi ng tawad ay pagkilala sa mga pananagutan, pagtalikod sa ambisyon at pagtanggap sa responsibilidad.

Tinanggap ni VP Sara ang panawagang mamuno sa bansa hindi para magreyna kundi bilang maging tagapangasiwa nito.

Isang pinunong kikilos na may TAPANG at TUNAY NA MALASAKIT.

Tatakbo si VP Sara hindi dahil nais lang niya na makipagkarera.

Tatakbo siya upang tapusin na ang KADILIMAN at pinaggagagawang KABUKTUTAN sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here