Home NATIONWIDE Naningil sa utang ng tambay, binayaran ng bala

Naningil sa utang ng tambay, binayaran ng bala

366
0

MANILA, Philippines- Sa halip na magbayad ng kanyang pagkakautang, panunutok ng baril ang ibinayad ng isang tambay sa delivery rider na naningil sa kanya sa Valenzuela City.

Mahaharap sa mga kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si alyas “Chester”, ng Brgy. Bignay ng lungsod.

Sa imbestigasyon, natiyempuhan ng biktimang si alyas “Rafael”, 31, ang suspek sa Casarival, Northville 1, Brgy. Bignay dakong alas-4 ng hapon kaya’t siningil niya ang P1,500 nitong utang na hindi binabayaran.

Gayunman, sa halip na magbayad ay nagalit pa ang umano ang suspek na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, kinuha ng suspek ang baril sa dala niyang sling bag at itinutok sa biktima sabay banta na papatayin ang delivery rider kapag muli siyang siningil.

Agad namang humingi ang biktima ng tulong sa mga tauhan ni P/Lt. Gilbert Ticson, hepe ng Sub-Station-7 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala na walang kaukulang dokumento. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here