Home NATIONWIDE Napipisil na NPC senatorial bets sa 2025 elections pinangalanan

Napipisil na NPC senatorial bets sa 2025 elections pinangalanan

MANILA, Philippines- Kabilang si Makati Mayor Abigail “Abby” Binay sa mga napipisil ng Nationalist People’s Coalition’s (NPC) na kumandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm elections, ayon kay party chairman Vicente Sotto III nitong Sabado.

Kasama sina Binay at incumbent Sen. Lito Lapid sa senatorial candidates ng NPC, ayon kay Sotto, at sinabing posibleng kasama rin siya sa Senate line-up ng partido.

“Definitely, as of now, I know that we are considering at least 3 from the party: myself, Lito Lapid and Abby Binay,” aniya nang tanungin kung ilang NPC members ang makakasama sa senatorial slate ng administrasyon. RNT/SA