Home METRO 3 sasakyan sapul ng gumuhong pader; 4 sugatan

3 sasakyan sapul ng gumuhong pader; 4 sugatan

MANILA, Philippines- Bumigay ang parte ng ng Las Piñas subdivision perimeter wall, kung saan hagip ang tatlong sasakyan na nagresulta sa pagkasugat ng apat na indibidwal.

Batay sa ulat nitong Sabado, naganap ang insidente sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan na may halos zero visibility bandang alas-8 ng gabi sa kahabaan ng River Drive sa Barangay Almanza Dos.

Napinsala sa nasabing insidenet ang dalawang van at isa pang kotse, habang apat na pasahero ang nagtamo ng sugat dahil dito.

“Sa sobrang lakas po ng ulan, gumuho po yung pader. So, ang cause po niya yung tubig. Siguro sa tagal na din ng pader, siguro naano… Tapos alam niyo naman yung tubig naghahanap ng madadaanan. Walang madaanan siguro,” paglalahad ni Daanghari PCP Commander Police Major Danilo Cosme Jr.

Samantala, inihayag ng homeowner’s association ng subdivision na mapanganib ang pagguho ng pader sa mga residente at mga motorista na dumaraan sa River Drive.

Inihayag ng Vista Land na nakikipag-ugnayan na sila sa mga may-ari ng mga sasakyan.

“And, to prevent the same accident from happening again,  the structural integrity of the perimeter walls shall be reviewed and measures shall be immediately implemented, if necessary,” dagdag ng kompanya.

Samantala, sinabi ni Major Cosme na tatanggalin ang mga napinsalng sasakyan at debris upang makadaan ang mga motorista.

“Aalisin na po natin ang mga sasakyan doon tapos ang mga pader na gumuho icle-clear na po yung daanan para madaanan na po ng motorista. Lahat po ng may damage na pader is tatanggaliin po. Iaayos po nila lahat nung sa subdivision,” wika ng PCP Commander.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Las Piñas local government ukol dito. RNT/SA