Home METRO Dating sundalo kalaboso sa pagdukot sa tinedyer, driver

Dating sundalo kalaboso sa pagdukot sa tinedyer, driver

MANILA, Philippines- Inaresto ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang dating miyembro ng Philippine Army sa umano’y pagdukot sa isang teenager at driver nito noong Enero.

Batay sa ulat nitong Sabado, nadakip ang suspek na si alyas “Alex” sa Pasig City sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court Branch 11 para sa kidnapping for ransom. 

Base sa PNP-AKG, dinukot umano ng suspek at ng kanyang grupo ang isang 15-anyos at kanyang driver noong Enero 14 sa Pasay City. 

Nasagip ng mga awtoridad ang mga biktima noong Enero 15 sa Tarlac City.

Base sa mga pulis, kasalukuyang nakaditene si “Alex” sa PNP-AKG Detention Facility sa Camp Crame, Quezon City. RNT/SA