Home METRO 2 senior patay sa pinagselosang 24-anyos na kapitbahay

2 senior patay sa pinagselosang 24-anyos na kapitbahay

TABUK CITY, Kalinga- Pinaslang umano ang dalawang senior citizens ng kanilang 24-anyos na kapitbahay sa Sitio Magtanga, Barangay Wagod, Pinukpuk, Kalinga noong Mayo 16.

Kinilala ni Police Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, ang mga biktima na sina Ruben Dangiwan, 65, at kanyang asawang si Apolonia, 63.

Base sa imbestigasyon, inakusahan umano ni Ruben ang suspek na si Pedro na may relasyon umano ito sa kanyang asawa, sa inuman.

Ikinagalit umano ito ng suspek dahilan upang pagtatagain niya nang ilang beses ang mga biktima gamit ang itak.

Agad na binawian ng buhay ang mga suspek mula sa 24 taga – si Ruben na nagtamo ng 11 at si Apolonia na nagtamo ng 13.

Umuwi ang suspek subalit isinuko sa pulis ng kanyang ama.

Ayon kay Manganip, nahaharap ang suspek sa double murder case. RNT/SA