Home NATIONWIDE Relokasyon ng 4 paliparan sinisilip ng DOTr

Relokasyon ng 4 paliparan sinisilip ng DOTr

MANILA, Philippines- Binabalak ng Department of Transportation na ilipat ang ilang “congested” regional airports sa southern Philippines.

Sa isang panayam, inilahad ni Transportation Secretary Jaime Bautista na tinukoy ng DOTr ang mga paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Siargao, at Masbate na binubusisi para sa posibleng relokasyon.

“We have identified the areas… where it will be relocated… so slowly, the government is buying the properties. It will take some time,” pahayag ni Bautista.

“There are agencies or countries that are willing to finance or extend the financing to complete these airports,” dagdag ng Transport chief.

Subalit, sinabi ni Bautista na matatagalan pa ang planong ito.

“The acquisition [of land], it will take some time,” giit ng Cabinet official. RNT/SA