Home NATIONWIDE Napolcom tutukuyin mga pulis-Makati na sinasabing nanakit sa driver ni Rhian Ramos

Napolcom tutukuyin mga pulis-Makati na sinasabing nanakit sa driver ni Rhian Ramos

219
0

MANILA, Philippines – Tutulong ang National Police Commission (Napolcom) sa pagtukoy sa mga pulis ng Makati na inirereklamo sa umano’y pananakit sa driver ng aktres na si Rhian Ramos, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa NBI, kabilang sa reklamo ng driver na si alias “Totoy” ang posibleng kasong administratibo. Inihayag niya na habang siya ay nakadetine sa Makati Police Station dahil sa kasong qualified theft, dinala umano siya sa isang hiwalay na silid at binugbog ng mga pulis.

Nauna nang nangako ang Makati City Police na makikipagtulungan sa imbestigasyon.

“Nag-offer na po ng assistance ang Napolcom to work on the administrative aspect of the case. Part of the admin aspect is helping out the NBI in identifying among the so many police officers na nakaduty noong panahon na nadetain siya,” ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari.

Sinabi ni Mallari na magbibigay ang Napolcom ng mga pangalan at larawan ng mga pulis na naka-duty noong panahong nakadetine ang nagrereklamo upang matukoy ang umano’y mga sangkot.

Dagdag pa niya, pinayagan na rin ng Makati Police Station ang mga tauhan ng NBI at ang complainant na magsagawa ng walkthrough sa istasyon, kung saan nakuha ang CCTV footage at nakapanayam ang ilang pulis.

Tumanggi ang NBI na magbigay ng karagdagang detalye dahil patuloy pa ang pangangalap ng ebidensiya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here