MANILA, Philippines – Umakyat na sa kabuuang 188 ang kaso ng firecrackere-related injuries sa bansa sa disperas ng New Year 2025.
Sa datos na ibinigay ng Department of Health (DOH), ang nasabing bilang ay nakalap mula sa 62 sentinel sites na binabantayan ng ahensya para sa Firecrackers -related injuries ngayong holiday season.
Naitala ito mula Disyembre 22 hanggang Disyembre 31,2024.
Mas mataas ang naturang bilang kumpara sa parehong panahon noong 2023 na nakapagtala lamang ng 124 kaso.
172 sa mga biktima ay lalaki habang 16 ang babae.
Nasa 152 naman sa mga biktima ay nasa ead 19 na taong gulang pababa.
Ayon sa DOH, 136 o 72% sa mga kaso ay dulot ng illegal na paputok tulad ng boga, 5-star , at Piccolo kung saan 123 o 65% ay kaso aktibong gumamit ng paputok. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)