Home NATIONWIDE Nasa 15 tigok sa New Orleans truck attack

Nasa 15 tigok sa New Orleans truck attack

MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 15 indibdiwal ang nasawi habang dose-dosena ang sugatan sa New Orleans, United States, matapos ibangga ng lalaki ang isang pick-up truck sa mga nagdiriwang ng  Bagong Taon sa pag-atakeng iniugnay ng mga awtoridad sa ISIL (ISIS).

Sinabi ni US President Joe Biden nitong Miyerkules na ipinagbigay-alam sa kanya ng FBI na nag-post ng mga video ang suspek sa social media na nagpapahiwatig na ang Middle East-based armed group ang inspirasyon nito.

“To all the people in New Orleans who are grieving, I grieve with you,” pahayag ni President Biden sa Camp David.

“Our nation grieves with you.”

Ani Biden, iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang posibleng pagkakaugnay sa pagsabog ng Tesla Cybertruck sa labas ng isang hotel na pagmamay-ari ni US President-elect Donald Trump sa Las Vegas noong Miyerkules subalit sa kasalukuyan ay “nothing to report on that score.”

Nauna nang inihayag ng FBI nitong Miyerkules na hindi ito naniniwalang ang suspek, ang 42-anyos na si Shamsud-Din Jabbar, ay mag-isa at natagpuan umano ang ISIL flag sa kanyang sasakyan.

“The FBI is working to determine the subject’s potential associations and affiliations with terrorist organisations,” ani Alethea Duncan, assistant special agent na may hawak sa New Orleans FBI.

“We do not believe that Jabbar was solely responsible,” pahayag ni Duncan. “We are aggressively running down every lead, including those of his known associates.” RNT/SA