Home HOME BANNER STORY Nasawi kay ‘Kristine’ pumalo na sa 81 – OCD

Nasawi kay ‘Kristine’ pumalo na sa 81 – OCD

146
0

MANILA, Philippines- Sumampa na sa 81 indibidwal ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang bilang ng mga nasawi ay ‘still subject to validation’ at beripikasyon.

Makikita naman sa data ng OCD na ang bilang ng mga nasawi ay mula CALABARZON na may 48, sumunod ang Bicol Region (Region V) na may 28 nasawi.

Napaulat naman na dalawa ang nasawi sa Cordillera Autonomous Region, isa sa Ilocos Region (Region I), at isa sa Zamboanga Peninsula Region (Region IX).

Sinabi ni Nepomuceno na may 66 katao ang napaulat na sugatan habang 34 naman ang nawawala.

Mayorya ng mga sugatang indibiduwal ay mula sa Region V na may 60, sinundan ng Region VIII na may limang sugatan at isang katao naman ang nasaktan sa BARMM.

Sa pinakabagong disaster monitoring dashboard hanggang nitong Sabado ng umaga, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may 547 na binahang lugar sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VIII, IX, XIII, CARAGA, BARMM, at National Capital Region.

Sinabi pa ni Nepomuceno na may 4.472 milyong katao o 1.062 milyong pamilya ang labis na naapektuhan ng masamang panahon.

Hanggang alas-7 ng umaga nitong Sabado, Oktubre 26, mayroong 82,000 pamilya o 311,468 katao ang kasalukuyang namamalagi sa evacuation centers.

Hinggil sa pinsala sa imprastraktura, iniulat ng NDRRMC na ang halaga ng pinsala ay umabot sa P203,826,014.38, ito’y para sa 98 nasirang lansangan, tulay, school buildings at bukod sa iba pa.

Mayroon namang 8,432 kabahayan ang nawasak, kung saan 7,506 ang partially damaged at 926 naman ang totally damaged.

Ang pinsala sa agrikultura ay sinasabing umabot sa P87,529,788.11, naapektuhan ang 3,049 magsasaka at mangingisda at 1,613.77 ektarya ng pananim.

Sa kabilang dako,mayroon namang 83 lungsod at munisipalidad ang inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Kristine.

Ang bagyong Kristine ay nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), araw ng Biyernes. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here