Home METRO Nasawi sa Binaliw landslide sa Cebu, umabot na sa 22

Nasawi sa Binaliw landslide sa Cebu, umabot na sa 22

240
0

CEBU, Philippines – Umabot na sa 22 ang bilang ng nasawi sa landslide sa sanitary landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, isang babae at isang lalaki ang huling narekober ng mga rescuer. Mayroon pang 14 na katao ang nawawala.

Patuloy ang operasyon ng search and rescue teams sa kabila ng mahirap na kondisyon, at tinututukan ang mga lugar na posibleng may mga biktimang na-trap.

Nauna nang sinabi ng operator ng landfill na susunod ito sa cease and desist order ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa DENR Central Visayas, pansamantalang ititigil ang operasyon ng landfill maliban sa rescue, retrieval, at cleanup activities upang masigurong ligtas ang mga responder at maiwasan ang karagdagang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here