Home TOP STORIES Nasawi sa malakas na lindol sa Colombia, sumirit sa 241

Nasawi sa malakas na lindol sa Colombia, sumirit sa 241

1
0

BOGOTA, Colombia – Patuloy ang search and rescue operations sa kanlurang Colombia matapos ang 7.4-magnitude na lindol, na itinuturing na pinakamalakas sa bansa sa loob ng isang siglo.

Umabot na sa 241 ang nasawi at mahigit 1,670 ang nasugatan, ayon sa mga lokal na awtoridad. Marami ring residente ang nawalan ng tirahan matapos gumuho ang mga apartment, opisina, at iba pang gusali.

Sa Pereira at Cali, maraming pamilya ang natulog sa mga parke habang nagpapatuloy ang mga aftershock.

Gumamit ang mga rescuer ng crane, search dogs, at mabibigat na makinarya upang hanapin ang mga posibleng buhay pa sa ilalim ng mga guho, habang tumulong ang mga boluntaryo sa mano-manong paglilinis ng mga debris.

Ayon kay Beatriz Arcos, na na-trap kasama ang kanyang asawa at ina sa gumuhong condominium, “The house came down on top of us. I wasn’t able to get out.” Dagdag pa niya, “It took about an hour to get us out.”

Sa Cali, sinabi ng boluntaryong si Andres Felipe Mejia, “One of the rescuers asked anyone trapped to whistle, and someone whistled back.” Kalaunan ay nailigtas ang isang lalaki at isang sanggol mula sa gumuhong gusali, ngunit nananatiling na-trap ang asawa ng lalaki.

Sa Pereira, pansamantalang naging evacuation center ang isang parke kung saan nagtayo ng mga tent at naglatag ng mga kutson para sa mga nawalan ng bahay.

Sinabi ni Stella Galvis, “We lost everything. We survived by a miracle, since I managed to get my little boy out and my partner managed to get out too.”

Ayon naman kay John Tabasco, “We lost everything, but we’re alive. We’ve never had to do this before, to depend on someone else to help us. It’s amazing how life can change.”

Sa Hospital Universitario del Valle sa Cali, gumuho ang bahagi ng ospital kaya inilipat ang mga pasyente sa parking lot at ginamot ang ilan sa bukas na lugar. Bumaba ang kapasidad ng ospital mula 590 hanggang 350 pasyente.

Nagdeklara ng state of emergency si Pangulong Abelardo de la Espriella at nangakong magbibigay ng rent subsidies sa mga apektadong pamilya.

Naglaan din ang Estados Unidos ng $15.5 milyon na emergency aid, habang maraming bansa ang nagpahayag ng suporta at alok na tulong.

Habang nagpapatuloy ang mga aftershock, hindi pa rin tumitigil ang mga rescuer sa paghahanap ng mga posibleng nakaligtas sa ilalim ng mga guho. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here