Home TOP STORIES 8 Chinese fishing boat sinamsam ng SoKor

8 Chinese fishing boat sinamsam ng SoKor

1
0

SEOUL, South Korea – Sinamsam ng South Korean Coast Guard ang walong Chinese fishing boat sa karagatan malapit sa kanlurang baybayin ng South Korea dahil sa umano’y matagal na pag-angkla nang walang pahintulot.

Ayon sa Central Regional Coast Guard, nahaharap ang mga barko sa mga paglabag sa Ship Act at Public Waters Management and Reclamation Act.

Pinaghihinalaang ilegal na nanatiling nakadaong ang mga barko sa karagatan malapit sa Yeonpyeong Island sa loob ng mahabang panahon.

Sa walong barko, tatlo ang walang sakay, habang 10 tripulante naman ang nasa natitirang mga sasakyang-dagat nang isagawa ang operasyon.

Naganap ang pagsamsam sa dalawang magkahiwalay na operasyon bandang 2 p.m. at 3 p.m.

Plano ng Coast Guard na samahan at imbestigahan ang mga barko upang alamin kung sangkot ang mga ito sa iligal na pangingisda. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here