Home NATIONWIDE OVP ‘di dapat humingi ng special treatment sa COA- Adiong

OVP ‘di dapat humingi ng special treatment sa COA- Adiong

1
0

MANILA, Philippines – Hindi dapat umasa ang Office of the Vice President (OVP) na bibigyan ito ng special treatment  ng state auditors sa pag-uulat ng paggamit nito ng confidential funds, ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Ayon kay Alonto Adiong, hindi maaaring tanggihan ng OVP ang mga patakaran ng Commission on Audit (COA) sa katwirang confidential ang mga transaksyon, giit ng mambabatas, parehong pamantayan sa pag-audit ay ipinapatupad din sa ibang mga ahensya ng pamahalaan.

“So I guess, kung titingnan natin, ano bang gusto ng OVP? Special treatment?” pahayag ni Adiong sa isang press conference.

Ang pahayag ay ginawa ni Alonto Adiong kasunod ng testimonya ni COA state auditor Xylene Del Campo sa harap ng Senate Impeachment Court kung saan sa cross examination ay iginiit ng  depensa na ang paghingi ng COA ng karagdagang mga dokumento, kabilang ang mga resibo, ay hindi nakasaad sa Joint Circular na syang sinusunud sa paggamit ng confidential funds.

Giniit ni Alonto Adiong na sinusunod lamang ng COA ang mga regular na pamantayan  ng pag-audit na ipinatutupad hindi lamang sa OVP at DepEd kundi sa  ibang ahensya.

“So hindi nila pupwedeng sabihin ng OVP na: ‘Hindi, wala naman dyan nakasulat dyan specifically sa Joint Circular, so why are you asking this from us?'” ani Alonto Adiong.

Binigyang-diin niya na dapat sumunod ang OVP sa parehong mga kinakailangan na ipinapataw sa iba pang ahensya na sumasailalim sa audit ng Intelligence and Confidential Fund Audit Office (ICFAO).

“So kung usual standard yun na ginagawa ng ICFAO sa lahat ng ahensyang na-require nila for the reward, dapat sumunod din ang OVP at hindi dapat mag-exempted,” dagdag niya.

Itinanggi rin ni Alonto Adiong ang argumento na ang paghingi ng resibo sa mga binili ay mangangahulugan ng pagsisiwalat sa pagkakakilanlan ng mga confidential informants. Aniya, binibigyan lamang ng COA ang ahensya ng pagkakataon na magpakita ng patunay sa mga kinukuwestiyong transaksyon.

Iginiit pa nito na mahalaga ang pagkakaroon ng mga sumusuportang dokumento lalo na kung ginagamit ang confidential funds bilang pabuya o reward. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here