Home METRO Nasawi sa Mindanao quake, umabot na sa 68; 33 nawawala pa –...

Nasawi sa Mindanao quake, umabot na sa 68; 33 nawawala pa – NDRRMC

1
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 68 ang bilang ng mga namatay dahil sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong nakaraang linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 1,339 katao ang nasugatan habang 33 pa ang nananatiling nawawala.

Aabot sa 337,541 pamilya o 1,382,294 katao ang naapektuhan ng lindol. Sa bilang na ito, 4,449 pamilya o 18,504 katao ang pansamantalang nananatili sa 45 evacuation centers.

Naitala rin ang 67,990 nasirang bahay sa Region 9, Region 11, Region 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa mga ito, 12,387 bahay ang tuluyang nawasak habang 55,603 naman ang bahagyang nasira.

Tinatayang umabot sa ₱148 milyon ang pinsala sa mga imprastraktura sa mga apektadong rehiyon.

Samantala, nakapagbigay na ang pamahalaan ng tulong na nagkakahalaga ng ₱156.57 milyon sa 24,985 pamilya, katumbas ng 11.88% ng 210,300 pamilyang nangangailangan ng ayuda.

Naglaan din ng karagdagang ₱8.13 milyon na tulong para sa mga lokal na pamahalaan at mga regional agency na tumutugon sa epekto ng lindol.

Patuloy ang relief, rehabilitation, at recovery operations ng pamahalaan para sa mga apektadong komunidad sa Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here