Home METRO Nasitang sasakyan na may plakang ‘7’ sa EDSA busway tumakas

Nasitang sasakyan na may plakang ‘7’ sa EDSA busway tumakas

MANILA, Philippines- Humarurot paalis ang nasitang sasakyang may protocol plate na “7” sa EDSA busway sa kahabaan ng EDSA-Mandaluyong nitong Huwebes ng umaga.

Batay sa ulat, hinarang ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang itim na SUV na kasunod ng ilang sasakyan ng ilang sasakyan ng kapulisan na natiketan din.

Subalit, pagkaabot ng driver ng SUV ng kanyang lisensya sa mga operatiba, mabilis itong tumakas.

Nakalaan ang protocol plate na “7” ay para sa mga sasakyan ng mga senador. RNT/SA