Home ENTERTAINMENT Yayo, happy sa lovelife ni William!

Yayo, happy sa lovelife ni William!

Manila, Philippines – Masaya na ang buhay ngayon ni Yayo Aguila.

Sa personal na aspeto, Yayo seems content even if hindi nag-work out ang pagsasama nila ng 80s matinee idol na si William Martinez.

May kanya-kanya nang buhay ngayon ang former couple.

May karelasyon nang non-showbiz guy si Yayo while Wiiliam also has a newfound love na siya ring nag-aalaga rito.

Happy si Yayo in the sense na nasa poder niyang lahat ang kanyang apat na anak kay William.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi mailwasang mag-usap sila ni Wiliam.

Other than their kids kasi, Yayo sees no compelling reason why her communication lines with William should be open.

But as for William’s personal life ay happy raw si Yayo.

Aniya, “In all honesty, I’m happy for him. Hindi showbiz answer ito, ha?

“Why? Kasi hindi na niya ako binubuwisit! На! На! На!”

Challenge din para kay Yayo na itaguyod ang kanyang apat na anak without having to depend on William.

Aware naman daw ang kanyang mga anak sa sitwasyon nila ni William. Ronnie Carrasco III