Home NATIONWIDE National Security Council: Walang batas sa red-tagging

National Security Council: Walang batas sa red-tagging

Manila, Philippines- Muling nilinaw ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na ‘di krimen ang “red-tagging” gaya nang ipinag-gigiitan ng mga komunistang-terorista na walang ibang hangarin kundi ipahiya ang pamahalaan lalo na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa virtual press conference na “FAQcheck: Nothing but the truth” ng NTF-ELCAC, na pinangangasiwaan ng Integrated Communications Operations Center, diretsahang inihayag ni Malaya na ang isyu ng red-tagging ay hindi polisiya ng pamahalaan lalo na hindi ito magiging isang batas.

“The NTF-ELCAC wishes to convey this to the United Nations Special Rapporteur Irene Khan who is currently visiting the country that there is no such government policy as red-tagging under the Marcos administration. In fact, the Marcos administration has not issued any law, rule, executive order or policy instrument that implements red-tagging or even uses the word red-tagging,” paliwanag ni Malaya.

Sinegundahan naman ito ni ICOC Director-designate at NTF-ELCAC spokesperson Joel Sy Egco na ang sabi, ang red-tagging ay ‘di lamang ‘trademark’ kundi pang-salag na gamit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army -National Democratic Front.

Dagdag naman ni Malaya, mahalagang malinawan ang isyung ito lalo na’t narito si Khan sa bansa, at malaman ng UN body na kanyang kinakatawan, ang lahat ng tungkol sa red-tagging issue.

Ang sampung-araw na pagbisita ni Khan sa bansa ay kinapalooban ng pakikipag-pulong sa mga opisyal ng pamahalaan, gaya ng Department of Justice, lawmakers, Local Government Units, activist groups at maging mga militanteng personalidad na kaalyado ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Muling ipinagdiinan ni Malaya sa mga kritiko at kumakalaban sa pamahalaan na salitang red-tagging ay walang ligal na basehan para ito’y maging batas o nakunsiderang krimen.

Pagdidiin ni Malaya, may mga ilan ng kaso ang naisampa laban sa ilang government officials hinggil sa red-tagging, na ibinasura lamang ng mga hukom dahil Wala ngang katuturan man lamang.

“In case of Zarate vs. Aquino, the Supreme Court of the Philippines dismissed several petitions for writ of amparo and habeas data and ruled that the mere labeling of a group as a communist front organization is not, and I repeat, not an actual threat to one’s right to life, liberty or security,” paliwanag ni Malaya.

Dagdag pa ng opisyal, ang paratangan ang isang indibidwal na siya ay may kaugnayan sa grupo ng mga rebelde ay di nangangahulugang inilalagay sa panganib ang kanyang seguridad, buhay o kalayaan.

Ipinihit nga ni Malaya ang pag-aakusa ng CPP-NPA-NDF sa kanila mismong hanay na sila ang maya gawa o imbento ng salitang red-tagging.

Dahil aniya, mismong si CPP founding chairman, ang yumaong Joma Sison, ang unang gumawa ng red-tagging nang pinangalanan niya ang Bayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Gabriela, League of Filipino Students, Alliance of Concerned Teachers atbp., na mga samahang napapaloob sa National Democratic Revolution kasama ang CPP-NPA-NDF. RNT

Previous articlePangalan ni Baby Mochi, ‘pinagtalunan’ nina Bossing at Pauleen!
Next articlePCG: Bangka pinalubog ng whale shark; 2 nasagip