Home METRO PCG: Bangka pinalubog ng whale shark; 2 nasagip

PCG: Bangka pinalubog ng whale shark; 2 nasagip

161
0

MANILA, Philippines- Nasagip ang dalawang mangingisda sa Romblon matapos umanong tamaan ng whale shark ang kanilang bangka, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa incident report na inilabas nitong Biyernes, sinabi ng PCG na lumubog ang bangka sa katubigan ng Barangay Cantagda sa Cajidiocan, Romblon dakong hatinggabi.

“Coast Guard Sub Station Cajidiocan personnel conducted an initial inquiry with the survivors and revealed that they believed that they were hit by a whale shark while underway which caused the said incident,” pahayag ng PCG.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Edgardo Lozano, 60-anyos, at Harry Lozano, 51.

Batay sa PCG, nasa maayos na kalagayan ang mga mangingisda nang masagip sila. Inasistihan sila ng PCG sa kanilang pag-uwi.

“The two individuals were transferred to the SAR (search and rescue) team’s boat and headed to the shoreline of Brgy. Danao, Cajidiocan,” dagdag nito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here