MANILA, Philippines – Magsasagawa ang pamahalaan ng ika-apat na national tourism job fair na tinatawag na “Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair” mula Oktubre 9 hanggang 11 sa SMX Convention Center Manila sa Lungsod ng Pasay.
Pinangungunahan ito ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang tulungang makahanap ng trabaho ang mga Pilipino sa turismo at travel sector.
Ayon sa DOT, higit sa 50 tourism employers ang lalahok at mag-aalok ng libu-libong trabaho sa iba’t ibang larangan.
Simula nang ilunsad noong 2022, mahigit 21,000 trabaho na kaugnay ng turismo ang nailahad sa mga aplikanteng Pilipino, kabilang ang mga bagong graduate, TESDA scholars, at displaced workers.
Gaganapin din ang job fair kasabay ng 16th Hotel and Foodservice Suppliers Show upang magbigay ng mas maraming oportunidad para sa career advancement at networking. RNT