Home NATIONWIDE P8.8M damo, tobats nakumpiska sa cargo warehouse sa Pasay

P8.8M damo, tobats nakumpiska sa cargo warehouse sa Pasay

224
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang tatlong inbound parcel na naglalaman ng mahigit ₱8.8 milyon halaga ng kush at shabu sa isinagawang interdiction operation sa DHL Cargo Warehouse, NAIA Complex, Pasay City, madaling-araw ng Oktubre 8.

Ayon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), nadiskubre ang mga parcel na idineklarang “Acid Wash Vintage Jeans” at “Electronic Equipment (Audio Source-Amplifier)” bandang alas-12:30 ng madaling-araw.

Dalawa sa mga parcel mula Las Vegas, USA ay may lamang 698 gramo ng high-grade marijuana (kush) na itinago sa loob ng maong pantalon, habang ang ikatlong padala mula Mexico City ay naglalaman ng 992 gramo ng hinihinalang shabu na itinago sa loob ng amplifier box.

Umabot sa 1.396 kilo ng kush na nagkakahalaga ng ₱2,094,000 at 992 gramo ng shabu na tinatayang ₱6,745,600 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang droga.

Dinala ang mga ebidensya sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri, at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga sangkot.

Kabilang sa mga lumahok sa operasyon ang PDEA-NCR, Bureau of Customs-CAIDTF, PNP-AVSEGROUP, Airport Police Department, PNP-DEG, NBI, at Bureau of Immigration. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here