Home NATIONWIDE Nationwide rice price monitoring inilunsad ng gobyerno

Nationwide rice price monitoring inilunsad ng gobyerno

152
0

MANILA, Philippines – INILUNSAD ng gobyerno ang nationwide rice price monitoring para i-assess ang epekto ng rice tariff reduction sa buong supply chain, mula importers hanggang retailers.

Sa katunayan, ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA), ay naglunsad ng ‘extensive price monitoring initiative’ sakop ang malawak na saklaw ng retail markets, kabilang na ang supermarkets, hypermarkets, at grocery stores sa ilalim ng hurisdiksyon ng DTI at maging ang wet markets sa ilalim ng DA.

Nauna rito, ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 62, noong nakaraang buwan, layon na bawasan ang taripa sa bigas mula 35% ay gawing 15% at taripa sa ibang agricultural products.

Sinabi naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual, chairman ng National Price Coordinating Council (NPCC) na nananatili namang matatag ang departamento sa mahigpit na monitoring at analysis sa pagbabago-bago ng presyo ng bigas.

“These data-driven reports will inform policymakers’ decisions to ensure stable rice supply, distribution, and pricing,” ayon kay Pascual.

Binubuo ng mga Kalihim ng departamento ng kalakalan at agrikultura, at maging kinatawan ng ‘consumer, agricultural, trading, at manufacturing sectors’, ang NPCC ay may mahalagang papel sa pakikipag-ugnayan sa pagsisikap ng pamahalaan para patatagin at kontrolin ang presyo ng mahahalagang kalakal at pangunahing bilihin.

Samantala, pinuri naman ni Pascual ang mga miyembro ng Kongreso sa pagtiyak ng price stability at pagprotekta sa interest ng mga mamimili sa pamamagitan ng paglaban sa ‘hoarding, profiteering, at smuggling.’

“We at the DTI deeply appreciate the tireless work of these legislators in holding price manipulators and violators accountable. Their actions align perfectly with our mission to empower and care for consumers while fostering fair competition for legitimate businesses,” ani Pascual. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here