Home NATIONWIDE Magkapatid na nagbibisikleta, patay sa balasik ng kidlat

Magkapatid na nagbibisikleta, patay sa balasik ng kidlat

80
0

MANILA, Philippines – Patay ang menor de edad na magkapatid makaraang tamaan ng kidlat habang nagbibisikleta sa Brgy. Tapia, Gen Trias City, Cavite.

Isinugod pa ang magkapatid na alyas Gerald, 14 at alyas Renzo, 15, sa Gen Trias Medicare Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Sinasabing isa pang lalaki at isang babae ang nasugatan dahil din sa kidlat.

Batay na nakalap na ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa Brgy Tapia, ng nasabing lugar kung saan nagbibisikleta umano ang magkapatid sa nasabing lugar sa kabila ng malakas ang ulan at kidlat.

Tinamaan ang dalawa, gayundin ang dalawang nasugatan na naroon din sa nasabing lugar. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here