Home NATIONWIDE Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kasado sa Hunyo 28

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kasado sa Hunyo 28

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Naghahanda na ang Office of Civil Defense (OCD) para sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa ikalawang quarter na isasagawa sa Biyernes, Hunyo 28, ng alas-2 ng hapon.

Isinasagawa ang NSED bilang bahagi ng paghahanda para sa tinatawag na “The Big One,” isang posibleng magnitude 7.2 na lindol na maaaring maging resulta ng paggalaw sa West Valley Fault, ayon sa ulat nitong Linggo.

Sa nasabing drill, inaasahang makikiisa ang publiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold postures.

Pinaplantsa ng OCD ang NSED katuwang ang iba pang government agencies at local government units.

Sasanayin sa NSED sa ikalawang quarter ang Harmonized National Contingency Plan, kung saan magtatalaga ng alternate emergency operation centers sa strategic areas.

Inamin naman ng OCD na bagama’t nakatutulong ang NSED, hindi umano ito sapat upang paghandaan ang epekto ng malakas na lindol.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko na magkasa ng engineering solutions at tumalima sa Building Code. RNT/SA