Home NATIONWIDE Dagdag-presyo sa produktong petrolyo nakaamba

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo nakaamba

MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang panibagong oil price increase ngayong linggo dahil sa geopolitical conflicts, kung saan tinataya ng industry players ang halos P2 dagdag-presyo kada litro.

Sa abiso nitong weekend, sinabi ng Unioil na muling aakyat ang presyo ng langis mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1. Anito, posibleng tumaas ang presyo kada litro ng diesel ng P1.70 hanggang P1.90.

Samantala, nagbabadya namang sumipa ang presyo ng gasolina ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro. Batay naman sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), posibleng tumaas ang gasoline prices ng P0.85 hanggang P1.15 kada litro.

Nakaambang tumaas ang presyo kada litro ng diesel at kerosene sa pagitan ng P1.55 hanggang P1.85, at P1 hanggang P1.10.

“Relevant news for the week that push the oil prices up are the continued geopolitical tensions and supply risks. Last June 18, Ukrainian drone strike caused a fire at a major Russian oil terminal while the Israel’s “all out war” with Lebanon’s Hezbollah contributed to the tension,” pahayag ni Rodela Romero, direktor nf Oil Industry Management Bureau ng DOE.

Noong nakaraang linggo, nagtaas ng presyo ang oil companies ng hanggang P1.90 kada litro. RNT/SA