MANILA, Philippines- Hinimok ng isang American maritime security expert ang Pilipinas na maging mag-ingat sa mga pagsisikap na bawasan ang tensyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ni dating United States Air Force officer Ray Powell na ang agresibong aksyon ng China malapit sa Ayungin o Second Thomas Shoal noong Hunyo 17 ay “malinaw na hindi isang aksidente.”
Ayon sa eksperto, maaaring makita ng China ang de-escalation bilang isang pagkakataon para sa pabor nito, tulad ng ginawa nito matapos ang 2012 standoff nang sakupin nito ang Scarborough Shoal o kilala bilang Panatag Shoal at Bajo de Masinloc.
Inakusahan ng Pilipinas na binangga ng China at sumakay sa Navy boats ng mga Pilipino sa isang marahas na komprontasyon kung saan isa ang nawalan ng daliri sa rotation at resupply mission.
Sa inilabas ng footage ng AFP, makikita ang mga sakay na Chinese sa maliliit na sasakyang-pandagat na sumisigaw, may mga hawak na palakol, patpat at tinamaa pa ang isang inflatable boat ng mga sundalo ng PIlipinas.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chair ng National Maritime Council, ang magulong face-off ay marahil isang hindi pagkakaunawaan at isang aksidente.
“We’re not yet ready to classify this as a n armed attack. I don’t know kung ‘yung mga nakita naming is bolo, axe, nothing beyond that,” sabi ni Bersamin.
Inirerekomenda ng konseho na ipagpatuloy ang resupply mission sa WPS at isapubliko ang iskedyul para sa mga aktibidad nang walang anumang isinusuko.
Sinabi ni Bersamin na hindi nakikita ng maritime council ang kamakailang pangyayari bilang sapat na batayan para isulong ang Mutual Defense Treaty ng bansa sa Estados Unidos.
Sinabi ni Powell na ang mga potensyal na pag-uusap sa pagitan ng US ay isang pormal na konsultasyon lamang batay sa mga banta sa soberanya ng Pilipinas at territorial integrity nito.
“[You] have a Mutual Defense Treaty for a reason. You should be able to appeal to a Mutual Defense Treaty under the terms of the treaty when your territorial integrity and sovereignty are being threatened,” idinagdag pa ng eksperto.
Sinabi ni Powell na halos imposible para sa Pilipinas na makarating sa BRP Sierra Madre dahil sa “very tight blockade” sa paligid ng Ayungin Shoal.
“So, the Philippines needs other options. Now, ultimately, it’s going to be either to get the goods in using some other means, which could be with or without American help or other help, or it needs to get China’s acquiescence so that the resupply is not opposed,” sabi ni Powell. Jocelyn Tabangcura-Domenden