Home NATIONWIDE Nationwide transport strike sa Sept. 14, ikakasa ng Manibela

Nationwide transport strike sa Sept. 14, ikakasa ng Manibela

1
0

MANILA, Philippines – Maglulunsad ng nationwide transport strike ang grupong MANIBELA sa Lunes, Setyembre 14, bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Inanunsyo ito ng grupo sa Facebook nitong Huwebes kasunod ng panibagong malaking fuel price hike ngayong linggo.

Epektibo noong Setyembre 8, tumaas ng P4.69 kada litro ang gasolina, P5.18 ang diesel at P5.58 ang kerosene, ayon sa Department of Energy.

Ipinaliwanag ng DOE na kabilang sa nagtutulak sa pagtaas ng presyo ang tensiyon sa pagitan ng United States at Iran, gayundin ang paghina ng piso laban sa dolyar.

Matagal nang nananawagan ang MANIBELA para sa mas malaking ayuda sa mga driver, fare adjustment, at mga hakbang upang mapababa ang presyo ng langis. Noong Agosto, itinulak din ng grupo ang pag-amyenda sa Oil Deregulation Law at pagtanggal ng excise tax at VAT sa fuel products.

Wala pang inilalabas na detalye ang grupo hinggil sa eksaktong mga ruta at lugar na maaapektuhan ng strike. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here