Home OPINION NATUWA SA PAGKAMATAY NI CABRAL KILALANIN

NATUWA SA PAGKAMATAY NI CABRAL KILALANIN

360
0

DAPAT makilala ang mga natuwa sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Cathy Cabral.

Ayon kay Batangas First District Representative Leandro Leviste, bago namatay si Cabral, binigyan siya ng kopya ni Cabral ng mga dokumento na may listahan ng mga kongresman na proponent o funder ng mga flood control project, ngunit galing sa gobyerno ang pondo at hindi sa sarili nilang bulsa.

Kung sangkot ang mga proponent sa mga anomalya at may kikbak, wala sila siguro silang pagsidlan ng tuwa dahil wala nang magsisilbing testigo laban sa kanila.

Subalit ano ang nasa likod ng pagbibigay ni Cabral ng mga listahan ng mga kongresman na may pondo sa mga flood control project?

Ito’y sa panahon pa na may mga imbestigasyon na isinasagawa para makilala, maimbestigahan at makasuhan, kung kinakailangan, ang mga mambabatas na may mga kikbak.

Isa pa, ninais din umano ni Cabral na maging state witness subalit hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maglabas ng kanyang nalalaman makaraang isangkot na sila ni dating DPWH Secretary Manny Bonoan sa anomalya ni ex-Undersecretary Robert Bernardo sa iskam.

Ang mas masakit pa, kahit patay na siya, dahil sa testimonya ni Bernardo, hahabulin pa rin ng gobyerno ang mga ari-arian nito na kasama sa ibinintang sa kanya na mga anomalya.

Sa kabuuan, mga brad, isang malaking hamon ang nakaatang ngayon sa balikat ni Leviste.

Maliban kasi sa pagbibigay ng mga listahan ng mga kongresman na mga may flood control project, maaaring may kwentuhan sa pagitan ni Leviste at Cabral.

Kaya naman, pupwede kaya riyan magsimula ang pagkilala sa mga nasa “swindlers’ list”?

Lalo na kung may mga detalye sa mga proyekto at dito magkaroon ng mga aktwal na inspeksyon sa mga ito kung ghost o substandard o may doble o tripleng pondo?

Cong. Leviste, sir, paano ‘yan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here