Home METRO Navotas magbibigay ng ₱1-M cash aid sa Cebu quake victims

Navotas magbibigay ng ₱1-M cash aid sa Cebu quake victims

609
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ng ₱1 milyong cash assistance ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa lalawigan ng Cebu, matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig at sumira sa ilang bayan nito noong Setyembre 30.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang pondo ay kukunin mula sa 2025 Quick Response Fund ng lungsod upang makatulong sa mga operasyon sa pagtugon sa mga apektadong lugar.

“Our city’s budget and resources may not be that much; however, we are still fortunate that we have the capacity to help our fellow Filipinos in dire need of support and assistance,” ani Mayor John Rey Tiangco.

“Pinagdaanan na rin natin ito… Kaya hanggang may maitutulong tayo sa mga kababayan nating nangangailangan, gagawin natin,” dagdag pa niya.

Noong 2019, nagbigay din ang Navotas ng ₱500,000 sa Tulunan, Cotabato matapos ang serye ng lindol, at ₱2 milyon sa mga nasalanta ng bagyo sa Eastern Samar noong 2014.

Nagbigay rin ito ng ₱1.5 milyon sa mga lokalidad sa Surigao del Norte, Negros Occidental, Misamis Oriental, Dinagat Islands, at Bohol noong 2022, at nagpadala ng hygiene kits, gamot, at bigas sa mga evacuees sa Batangas at Cavite noong Taal eruption noong 2020. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here