Home NATIONWIDE Tiangco sa DFA: Pasaporte ni Zaldy Co, kanselahin na 

Tiangco sa DFA: Pasaporte ni Zaldy Co, kanselahin na 

255
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Navotas Representative Toby Tiangco sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agad kanselahin ang pasaporte ng nagbitiw na Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co upang matiyak ang kanyang pagbabalik sa bansa at pagharap sa mga kaso kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Ginawa ni Tiangco ang panawagan matapos maglabas ng subpoena ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay Co para sa pagdinig sa Oktubre 14.

“The DFA should cancel Zaldy Co’s passport at once to make sure he comes back and faces the administrative and criminal charges that will be filed against him,” ani Tiangco.

Nagbabala rin ang mambabatas na dapat kumilos agad ang DFA upang pigilan si Co sa pag-apply ng citizenship sa ibang bansa na walang extradition treaty sa Pilipinas.

“Time is of the essence… Dapat pauwiin siya sa lalong madaling panahon. Kung magpaligoy-ligoy ang DFA at siya ay makakuha ng citizenship sa bansang walang extradition treaty, sila ba ang mananagot dito?” tanong ni Tiangco.

Sinabi pa ni Tiangco na sumusuporta siya sa panawagan ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kanselahin ang pasaporte ni Co.

“I fully support the position of former Ombudsman Carpio-Morales. Pauwiin na kaagad si Zaldy Co. Ngayong may subpoena na mula sa ICI, wala nang dahilan para hindi kanselahin ang kanyang passport. Ang pinag-uusapan dito ay napakalaking pera ng taong-bayan,” dagdag pa niya. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here