NAVOTAS — Nagsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga hakbang upang mapabuti ang energy efficiency at mapababa ang gastos sa kuryente sa mga pampublikong gusali, sa pakikipagtulungan sa Department of Energy (DOE) sa ilalim ng programang “Solar Solutions for Government: Energy Efficiency at Renewable Energy in Public Buildings.”
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, makakatulong ang proyekto sa pagbuo ng mas matipid at responsableng lokal na pamahalaan. “Every peso we save on electricity is a peso we can redirect to services that truly matter to our people,” ani Tiangco.








