NAMAHAGI ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng 5-kilo ng bigas sa 91,000 pamilyang Navoteño bilang tulong sa mga residente sa nakaraang pinsala ng bagyong si Carina na nagpalubog sa baha sa lungsod.
Binigyang – din ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pangakong suporta lalo sa mga ganitong kalamidad .
“We understand the difficulties Navoteños are facing, and we are here to provide the necessary assistance and support. This rice distribution is just one of the many ways we aim to help Navoteños recover and return to their normal lives as soon as possible,” ani Tiangco.
“We will start the distribution as soon as the logistical requirements are settled. We will post the schedule in our social media pages,” dagdag ng alkalde.
Nangako rin si Tiangco na makikipag- ugnayan sa Metro Manila Development Authority at sa Department of Public Works and Highways para sa pagkukumpuni ng Tangos-Tanza navigational gate na nasira noong Hunyo makaraang banggain ng isang flatboat na nagdulot ng pagbabaha sa Navotas at Malabon.
Noong Huwebes ay binisita ni President Bongbong Marcos ang lugar at inatasan ang DPWH ang agarang pagsasaayos ng navigational gate.
Samantala, ang alkalde at kanyang kapatid na si Congressman Toby Tiangco ay namahagi ng 28,000 kilo ng isda Huwebes ng umaga bilang suporta sa mga pamilyang hindi nakapag-hanapbuhay dahil sa matinding pagbaha.
“We know Navoteños are resilient, as demonstrated by how we have weathered and triumphed over numerous storms. Let us continue to support one another and strive to overcome the challenges we face,” ani Tiangco. (R.A Marquez)