Home METRO Navotas pasado sa DILG Good Financial Housekeeping

Navotas pasado sa DILG Good Financial Housekeeping

MANILA, Philippines- Muli na namang nasungkit ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ang Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“This recognition is a testament to our commitment to transparent and honest utilization of public funds, ensuring that they are spent towards programs and services that contribute to the welfare of Navoteños,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“We also acknowledge the invaluable contribution of our city government employees who consistently strive to provide exceptional public service, as well as the citizens of Navotas for their constant support,” dagdag pa ng alkalde.

Para makapasa sa GFH, ang pamahalaang lokal ay nararapat na makasunod na may Full Disclosure Policy of Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings tulad ng Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan or Procurement List, and Bid Results on Civil Works, Goods and Services and Consulting Services.

Nakamit din ng Navotas sa Commission on Audit’s Unmodified Opinion, ang pinakamataas na maibibigay sa LGU o government agency sa loob ng walong sunod-sunod na taon na natatanging LGU sa Metro Manila na may track record.

Ang GFH na itinatag noong 2010 ay nagsilbing tagasuri sa lokal na pamahalaan sa pagtatatag ng ugnayan sa pagkakaroon ng transparent reporting ng public budget at gastusin.

Isa rin ito sa pangunahing bahagi ng Seal of Good Local Governance na nagpapatrabaho para sa mas komprehensibong pagtatasa sa administratibo at pagsisikap sa pag-unlad ng lokal na pamahalaan. R.A Marquez

Previous articleNTF-ELCAC papalitan?
Next articleConAss sa pag-amyenda sa Konstitusyon iminungkahi ng ex SC justice