Home HOME BANNER STORY NTF-ELCAC papalitan?

NTF-ELCAC papalitan?

MANILA, Philippines- Isinusulong ng Philippine government ang isang komprehensibong peace and development plan na posibleng pumalit sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon sa top police official nitong Lunes.

Subalit, ibinasura rin ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang mungkahing buwagin anh NTF-ELCAC, kung saan sinabi niyang kapaki-pakinabang ito sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa mga probinsya.

“With regard to the abolition of the NTF-ELCAC, the PNP is opposing this move. We can still do more through this NTF-ELCAC and in fact, what we are now pursuing is unity and development,” ani Acorda.

Tinaguriang National Task Force on Peace and Unity and Development, inilahad ni Acorda na inaasahang ipagpapatuloy nito ang mga naabot ng NTF-ELCAC pagdating sa pagpapahina sa communist rebels sa bansa.

Itinatag ang NTF-ELCAC sa ilalim ng pamumuno dating Pangulong Rodrigo Duterte at nakatutok sa localized peace talks at pagpondo sa development programs at mga proyekto sa communist-infested areas tulad ng road construction at access sa inuming tubig.

Subalit, marami ang sumita sa NTF-ELCAC matapos masangkot ang mga dati nitong tagapagsalita sa red-tagging critics ng nakaraang administrasyon.

Para kay Acorda, binigyang-daan ng tagumpay ng NTF-ELCAC ang planong pagtatatag sa National Task Force on Peace and Unity and Development.

“Since the armed conflict is gradually on its end,  and through this venue whole of nation approach, we are now shifting to this direction (pursuit of peace, unity and development),” pahayag ni Acorda.

“In fact, the NTF on Peace and Unity and Development is now being formed to head ot that direction. Through this venue whole of nation approach, we are now shifting to this direction,” dagdag ng opisyal.

“We will have to sustain the gains (against communist insurgency) but now it will be focusing more on unity and development,” aniya pa.

Samantala, hindi pa umano napapanahon na buwagin ang NTF-ELCAC.

Ito ang binigyan-diin ng Department of Justice (DOJ) bunsod ng panawagan ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na bigyang-wakas na ang NTF-ELCAC.

Sinabi ni Justice Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano na kailangan pa ng gobyerno ang NTF-ELCAC upang mawala ang karahasan sa Mindanao.

Tiniyak ni Clavano na darating naman ang panahon na ang naturang task force ay mapapalitan bilang peace and security council.

Kinakailangan aniya ang pagtatatag ng peace and security council upang mapanatili ang kapayapaan na matagal na panahong sinikap na makamit.

Samantala, sa usapin ng red-tagging ay sinabi ni Clavano na ang unang hakbang ay matukoy ang depinisyon ng krimen. Inihalimbawa ni Clavano sa criminal law kung saan kapag hindi alam kung ano ang bawal ay hindi pwedeng maging criminal law dahil magkakaroon ito ng chilling effect.

Magugunita na sa naging dayalogo ni Khan kamakailan sa DOJ officials, inamin ng UN official na walang malinaw na depinisyon ang red-tagging. Teresa Tavares