Home NATIONWIDE Nawawalang mangingisda natagpuang ligtas, palutang-lutang sa dagat

Nawawalang mangingisda natagpuang ligtas, palutang-lutang sa dagat

1
0

MANILA, Philippines – Natagpuang ligras at palutang-lutang sa dagat ang 48-anyos na mangingisda mula Borongan City, Eastern Samar matapos pumalya ang makina ng maliit nitong bangkang pangisda dahilan para maglunsad ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ng Coast Guard Station (CGS) Eastern Samar ang mangingisda na si Alberto Bandilla, residente ng Barangay Tabunan, Borongan City.

Sa report ng PCG, umalis si Bandilla para mangisda bandang alas-3 ng hapon ng Hulyo 29 sakay ng hindi rehistradong sky-blue motorized banca.

Bandang alas-3 ng umaga ng kasunod na araw, Hulyo 30, ay nagawa nitong makontak ang asawa na si Melody Bandilla, gamit ang cellphone upang sabihin na ang kanyang bangka ay nagkaaberya habang nasa dagat sa pagitan ng Ando Island at Barangay Punta Maria sa Borongan City.

Unang hinanap ng mga lokal na mangingisda si Bandilla ngunit bigong matunton ito, dahilan upang humingi na ng tulong ang pamilya sa Borongan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), na siya namang nag-ulat sa Coast Guard.

Agad na nagtungo sa Barangay Tabunan ang mga tauhan ng CGS Eastern Samar, kasama ang Special Operations Unit-Deployable Search and Rescue (SOU-DSAR) team, upang beripikahin ang insidente at magsagawa ng search operation.

Ang search and rescue team ay binuo ng mga tauhan ng Coast Guard personnel at tatlong lokal na mangingisda bandang 4:20 ng hapon noong Hulyo 30 upang galugarin ang dagat sa Barangay Punta Maria at kalapit na coastal areas gamit ang tatlong motorized banca.

Bandang 5:30 ng hapon ay nakita si Bandilla na sakay ng bangka sa municipal waters ng Balangkayan, Eastern Samar.

Nasa maayos na kondisyon ang mangingisda at nagawang mahila pabalik sa Barangay Tabunan ang bangka nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here