Home SPORTS NBA All-Star reserves: Stephen Curry in, De’Aaron Fox out

NBA All-Star reserves: Stephen Curry in, De’Aaron Fox out

Inanunsyo ng NBA ang All-Star Game reserves ngayong Biyernes, kung saan si Stephen Curry ng Golden State Warriors, nakapasok sa Western Conference sa ika-10 beses at ang NBA Player of the Month para sa Enero, si Devin Booker ng Phoenix Suns, na nakakuha ng kanyang ikaapat na All-Star.

Inanunsiyo ang Western Conference reserves, kasama sina Booker at Curry, sina Los Angeles Lakers center Anthony Davis, Minnesota Timberwolves teammates Anthony Edwards at Karl-Anthony Towns at Los Angeles Clippers teammates Kawhi Leonard at Paul George.

Bubuo pa sa Western Conference reserve ang mga kilalang manlalaro ng West team na sina Clippers guard James Harden, Timberwolves center Rudy Gobert at Sacramento Kings teammates De’Aaron Fox at Domantas Sabonis.

Gagawin ang All-Star Game sa Peb. 18 sa Indianapolis.

Nanguna ang mga manlalaro sa New York na sina Jalen Brunson at Julius Randle na mga reserba para sa Silangan.

Reserba naman sa Eastern Conference sina Miami Heat center Bam Adebayo, Orlando Magic forward Paolo Banchero, Celtics guard Jaylen Brown, Philadelphia 76ers guard Tyrese Maxey, Cleveland Cavaliers guard Donovan Mitchell, Brunson at Randle.

Kabilang sa mga hindi pinangalanan para sa Eastern Conference All-Stars ay sina Celtics teammates Derrick White at Kristaps Porzingis, Raptors wing Scottie Barnes at Atlanta Hawks guard Trae Young.

Pinipili Ang All-Star starters sa pamamagitan ng boto ng mga tagahanga, manlalaro at media. Ang mga reserba ay pinili ng mga coach mula sa kani-kanilang kumperensya ng mga manlalaro.

Hinirang ang East starters na sina captain Giannis Antetokounmpo (Bucks), Jayson Tatum (Celtics), Joel Embiid (76ers), Tyrese Haliburton (Pacers) at Damian Lillard (Bucks).

Pangungunahan naman ang West starters nina captain LeBron James (Lakers), Kevin Durant (Suns), Nikola Jokic (Nuggets), Shai Gilgeous-Alexander (Thunder), at Luka Doncic (Mavericks).

Gumawa ng kanilang unang All-Star team appearances sina Maxey, Brunson at ang 21-anyos na si Banchero.JC

Previous articlePH Navy kailangan ng 2 ‘gang 3 submarine – spox
Next articleImee Marcos tutol sa panukalang ‘separate, independent’ Mindanao