MANILA, Philippines – Kailangan ng Philippine Navy ng dalawa hanggang tatlong submarine upang matugunan nito ang mandato na protektahan ang maritime domain ng bansa, sinabi ng tagapagsalita para sa West Philippine Sea (WPS) nitong Huwebes, Pebrero 1.
“We do not only [need] one submarine, we need two or three,” ayon kay Navy spokesperson for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad.
Ipinasa na umano ng Navy ang wish list nito para sa
Armed Forces of the Philippines (AFP) Horizon 3 — na kinabibilangan ng mga submarine.
Wala pa silang impormasyon kung naaprubahan ang naturang request.
“The Horizon 3 was approved, we gave our list [but] we don’t know which of [our requests] was approved,” ani Trinidad.
Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustments sa AFP modernization – Horizon 3, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Ani Marcos, plano ng kanyang administrasyon na bumili ng kauna-unahang submarine ng Pilipinas, ngunit sinabi rin na prayoridad ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa anti-submarine capabilities ng bansa. RNT/JGC