Home SPORTS NBA: Coach ng Sacramento Kings pinagmulta ng $35K

NBA: Coach ng Sacramento Kings pinagmulta ng $35K

Sinampal ang $35K na multa ang head coach ng Sacramento Kings na si Mike Brown dahil sa agresibong paghabol sa isang opisyal ng laro sa live play noong Martes.

Nag-ugat ang multa sa pagrereklamo ni Brown sa mga ref matapos na hindi matawagan ng foul kasunod ng drive ni Colby Jones sa basket sa ikalawang quarter ng 108-103 pagkatalo ng Kings sa bisitang Brooklyn Nets noong Linggo.

Si Brown, sa halip, ay binigyan ng technical foul. Dati nang pinarusahan ang 54-anyos na si Brown ng liga dahil sa kanyang pag-uugali sa mga opisyal.

Siya ay pinagmulta ng $50,000 noong Enero 16, dalawang araw pagkatapos pumasok sa court of play habang sinisigawan ang referee na si Intae Hwang, na humantong sa pagpapatalsik ng coach sa 143-142 overtime loss sa Milwaukee Bucks.

Pagkatapos ay gumamit si Brown ng laptop sa kanyang postgame press conference upang ituro ang maraming tawag na hindi niya sinang-ayunan.

Noong 2012, nang siya ay nag-coach sa Los Angeles Lakers, si Brown ay nasuspinde ng isang laro nang walang bayad at nagmulta ng $25,000 dahil din sa pagkikipag-way sa  isang opisyal.

Isang dalawang beses na NBA Coach of the Year, si Brown ay may 449-296 career record bilang head coach ng Cleveland Cavaliers, Lakers at Kings.JC