MANILA, Philippines – Umiskor si Jalen Green ng 8-for-18 mula sa 3-point range patungo sa 38 points para itabla ng Houston Rockets ang kanilang Western Conference first-round playoff series sa 1-1 sa pamamagitan ng 109-94 panalo kontra sa bisitang Golden State Warriors sa Game 2 ngayong Huwebes.
Ang ginawang mas masakit sa gabi para sa seventh-seeded Warriors ay ang pagkawala ni Jimmy Butler na nagtamo ng pelvic contusion sa huling bahagi ng unang quarter. Hindi na ito nakabalik sa laro at dinala sa ospital.
Nagtayo ang second-seeded Houston ng hanggang 20 puntos sa ikalawang kalahati at sinasagot ang bawat pagsisikap ng Golden State rally.
Nanguna si Green sa pagpigil sa pagtatangka ng Warriors na makabalik sa ikatlong quarter, isinalpak ang tatlo sa kanyang 3-pointers at umiskor ng 15 puntos sa period.
Halos kalahata ng kabuuang trey ng Rockets ay kay Green , habang ang Houston ay bumaril ng 15-for-40 mula sa malalim (37.5 porsiyento).
Nakabawi si Green mula sa malungkot na 3-of-15 performance sa opener upang pasiglahin ang Houston sa kritikal na panalo bago tumungo ang mga koponan sa San Francisco para sa Game 3 sa Linggo.
Si Stephen Curry ay nagtala ng 4-for-9 mula sa labas ng arc patungo sa 20 puntos. Nag-shoot si Quinten Post ng 4-for-8 mula sa 3-point distance na nagmula sa bench at nagtapos na may 12 puntos. May 12 puntos din si Moses Moody.
Nakakuha ang Houston ng 17 puntos, 16 rebounds at pitong assist mula kay Alperen Sengun, at 16 puntos mula kay Dillon Brooks.