Home SPORTS NBA star Kyle Kuzma gustong maglaro sa Gilas

NBA star Kyle Kuzma gustong maglaro sa Gilas

228
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Washington Wizards star ang kanyang intensiyon na makapaglaro sa  Gilas Pilipinas.

Ayon kay Kuzma,  nais niyang makasama si Jordan Clarkson para makapaglaro sa Gilas Pilipinas.

Nilinaw pa ni Kuzma na pwedeng-pwede siyang maglaro sa national basketball team ng Pilipinas sakaling hindi siya kunin ng  USA Basketball Team.

Matatandaang noong 2019 FIBA Basketball World Cup,  nakatakda na sana itong maglaro sa Team USA subalit hindi natuloy matapos na magtamo ng injury sa kaniyang paa.

Sa opinyon naman ng mga basketball experts,  mahihirapan ang 29-anyos na si Kuzma na makapaglaro sa Gilas, dahil base sa rules ng FIBA,  papayagan lamang ang isang naturalized player sa bawat international competitions.

Si Clarkson lamang ang tanging naturalized player ng bansa dahil isang Pinay ang kaniyang ina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here