MANILA, Philippines – Ang Outpatient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center ay isasara sa loob ng dalawang araw dahil ililipat ang mga kagamitan sa ikalawang palapag.
Inihayag ng pamunuan ng ospital na isasara ang OPD ngayong araw, Setyembre 12 at sa Biyernes, Setyembre 13, 2024.
Ang OPD ay bubuksan sa bago nitong site ng 8:00 a.m. sa Lunes, Setyembre 16, 2024.
Sa ngayon, ang mga pasyente ay pinapayuhan na magpatuloy sa ibang mga ospital, mga pasilidad na medikal. RNT