LOS ANGELES, United States — Umiskor si Collin Sexton 23 puntos at si Lauri Markkanen, may 20 nang talunin ng Utah Jazz ang San Antonio, 111-110 kahapon para sa kanilang ikalawang panalo sa season ng NBA.
Umiskor si Victor Wembanyama, ang NBA Rookie of the Year noong nakaraang season,ng 24 puntos at humakot ng 16 na rebounds na may pitong blocked shots din, ngunit ang 20-anyos na French star ay natawagan ng isang offensive foul sa mga huling segundo.
Nagdagdag si Jordan Clarkson ng 16 puntos mula sa bench para sa Jazz, na umangat sa 2-7 ngunit nananatiling huli sa Western Conference.
Nag-ambag si Stephon Castle ng 23 puntos para sa Spurs at nagdagdag si Devin Vassell ng 21 mula sa bench para sa San Antonio, na nahulog sa 4-6.
Inangat ng 3-pointer ni Keldon Johnson ang San Antonio sa loob ng isang punto may 31 segundo ang nalalabi ngunit sinagot ni Clarkson ang dalawang free throws para hilahin ang Utah sa 107-104.
Si “Wemby” ay natawagan ng offensive foul habang gumagawa ng screen sa susunod na posesyon ng Spurs, isang tawag na nagpatigil sa isang video review, at nagdagdag si Clarkson ng dalawang free throws.
Sumagot si Julian Champagnie sa pamamagitan ng isang corner 3-pointer para sa Spurs may limang segundo ang natitira ngunit si Sexton ay nagpabagsak ng dalawang huling Jazz free throws para sa panalo.