Home NATIONWIDE NBI kay Sen. Bato: Mga armas na nakarehistro sa kaniya, i-surrender ng...

NBI kay Sen. Bato: Mga armas na nakarehistro sa kaniya, i-surrender ng personal

2
0

MANILA, Philippines  – Hindi pa rin kumbinsido ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ipinakitang pakikipagtulungan ng kampo ni Sen. Ronaldo “Bato” Dela Rosa matapos isuko ang 20 baril na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mas makabubuti pa kung haharapin mismo ni Dela Rosa ang kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC) upang malaman kung may matibay na basehan ang kanyang mga depensa sa isyu ng drug war.

“It’s good but it’s even better if he surrenders all the 117 firearms registered to him,” ani Matibag.

Dagdag pa niya, “And hopefully, he would surrender with his remaining firearms.”

Ang 20 baril ay isinuko ng kampo ni Dela Rosa sa Philippine National Police–Civil Security Group sa Region 11 bilang bahagi ng pagpapatupad ng revocation ng kanyang firearms license.

Ayon sa PNP, ang mga armas ay maayos na naitala at nasa kanilang kustodiya na para sa safekeeping.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng NBI at PNP kaugnay ng kaso ni Dela Rosa. Ayon sa mga ulat, sinusundan din siya ng mga awtoridad matapos ang isyung may kinalaman sa umano’y insidente sa Senado noong Mayo 14.

Sinabi rin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na may kaugnayan ang insidente sa Senado at inirekomenda nito ang pagsasampa ng kaso laban kay Sen. Robin Padilla at ilang iba pa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here