Home HOME BANNER STORY NBI magpapadala ng subpoena sa mga taong huling may kontak kay Sen....

NBI magpapadala ng subpoena sa mga taong huling may kontak kay Sen. Bato

45
0
Kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inihayag ng National Bureau of Investigation nitong Miyerkules, Mayo 27, na naghahanda na ito ng mga subpoena para sa mga taong huling nakasama, nakausap, o may kontak kay Senador Ronald dela Rosa habang patuloy ang paghahanap sa dating hepe ng Philippine National Police.

Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na sinalakay ng NBI at ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang bahay sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga na iniuugnay sa tiyuhin ni Robinhood Padilla.

“The National Bureau of Investigation is preparing to invite the people who were last with, spoke to, or had contact with Senator Bato so they can shed light on the matter. In the coming days, we will subpoena personalities who have had contact with him. We are preparing the subpoenas already at the NBI,” ayon kay Matibag.

Ayon sa intelligence reports, posibleng ginamit na taguan ni dela Rosa ang naturang bahay habang iniiwasan umano niya ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng alegasyong crimes against humanity sa madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Matibag na ilang lugar ang kanilang pinuntahan upang beripikahin ang mga ulat kung saan umano nagtatago si dela Rosa.

Bagama’t hindi nila natagpuan ang senador, sinabi ni Matibag na napatunayan nilang may koneksyon kay dela Rosa ang mga lugar na kanilang sinalakay.

Kinumpirma rin niya na isa sa mga sasakyang nakita sa subdivision ay konektado sa pagtakas umano ni dela Rosa mula sa Senado noong Mayo 14.

Nauna nang muling nagpakita si dela Rosa noong Mayo 11 upang bumoto para kay Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President bago umano tumakas gamit ang sasakyan ni Padilla matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng Senate compound.

Nagbabala rin ang CIDG na maaaring maharap sa obstruction of justice charges ang sinumang magtatago o tutulong kay dela Rosa.

“We know that aiding and abetting and harboring a fugitive from justice carry a corresponding penalty under our laws, and we will not hesitate to use it against anyone we find out is doing so,” ani Matibag.

Aminado rin ang NBI na mahirap hanapin si dela Rosa dahil dati siyang pinuno ng PNP at kabisado umano nito ang galaw ng law enforcement.

Inihayag din ni Matibag na pinakakansela na nila sa PNP Firearms and Explosives Office ang 118 baril na nakarehistro sa pangalan ni dela Rosa.

“It cannot be denied that he is armed and somehow we can say that he is dangerous because he’s avoiding arrest,” dagdag ni Matibag. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here