Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy
ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Maghahain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong graft and misconduct sa Office of the Ombudsman laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ilang iba pa.
Kasama rin sa mga kasong isasampa sa pakikipag-ugnayan sa PAOCC ang 35 iba pang indibidwal kabilang ang dating bise alkalde na si William Cura, ilang konsehal, opisyal ng munispyo, pinuno ng barangay at kabataan, gayundin ang mga kumpanyang incorporator na nauugnay sa mga kuwestiyonableng deal sa lupa.
Kasama sa mga kaso ang mga paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019, Sections 3[e] at 3[g] para sa di-umano’y maling paggamit ng awtordad at pagpasok sa mga kontratang lubhang disadvantageous sa mga pribadong kumpanyan na BAOFU Land Development, HongSheng at Zun Yuan.
Nahaharap din si Feliciano sa kaso sa ilalim ng Revised Penal Code (Article 216) para sa illegal na paggamit ng public office para sa pansariling kapakanan.
Ibinunyag ni NBI Director Jaime Santiago, na natuklasan ng mga imbestigador ang isang property na may appraised value na P3.9 bilyon kung saan P10,000 lamang ang binayarang real property tax — na walang pambayad ng buwis para sa mismong gusali — na tinatawag ang kaayusan na ‘grossly disadvantageous to the government’. Jocelyn Tabangcura-Domenden