Home NATIONWIDE NBI patuloy sa paghahanap kay Atong Ang

NBI patuloy sa paghahanap kay Atong Ang

231
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahanap kay Atong Ang, ayon kay Atty. Joel Tovera, NBI-NCR Chief. Sinabi niya na ibine-verify nila ang impormasyon mula sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Visayas.

“As part of the team tracking Atong Ang, we have already verified a lot of information—Visayas,” ani Tovera.

Dagdag niya, natatanggap nila halos araw-araw ang bagong impormasyon, kasama na ang mga tip sa hotline, at bawat lead ay pinoproseso.

“We are receiving almost every day fresh information. We are giving it the proper action so we can arrest Mr. AA,” ani Tovera.

Sinabi rin niya na may text message na nagsasabing posibleng nasa ibang bansa mula pa noong Disyembre si Ang.

“We value every piece of information… there was a text saying he has been abroad since December. We will take note of that information,” dagdag niya.

May opisina rin ang NBI para sa international coordination at verification, sakaling nasa labas ng bansa si Ang.

Inihanda rin ng BJMP ang pasilidad sa Laguna para sa posibleng detention ni Ang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here