Home SPORTS NBL titles abot-kamay na ng Taguig General

NBL titles abot-kamay na ng Taguig General

302
0

ISANG matinding laro ang pinatunayan ni Edziel Galoy matapos kumana ng game-winning lay-up sa huling tatlong segundo upang dalhin ang Taguig Generals sa panalo laban sa Tikas Kapampangan, 102-101, sa Game 3 ng NBL-Pilipinas Governors’ Cup Finals sa Hagonoy Sports Complex.

Si Galoy ang bida matapos ang kanyang drive at lay-up na muling nagbigay ng kalamangan sa Taguig. Hindi naipasok ni Lhancer Khan ang huling tira para sa Tikas, dahilan upang magdiwang ang mga taga-Taguig.

Kumakaway pa sana ang panalo ng Generals nang magmintis si Dan Natividad at nasundan ng easy lay-up ni Genmar Bragais para sa 101-100 abante ng Tikas, bago tuluyang bumawi si Galoy.

Sa panalo, hawak na ng Taguig ang 2-1 bentahe sa best-of-five series at isang panalo na lang ang kailangan upang makuha ang kanilang ikalimang sunod na kampeonato at ikaanim na titulo sa liga.

Nanguna rin para sa Taguig sina LJ Mayo na may 17 puntos at Natividad na may 13 puntos.

Para sa Tikas, umarangkada si Jasper Manalang na may 24 puntos at 7 assists, habang 20 puntos naman ang inambag ni Bragais. Gaganapin ang Game 4 sa San Fernando, Pampanga.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here