Home METRO NBP magkakaroon ng Kadiwa ng Pangulo

NBP magkakaroon ng Kadiwa ng Pangulo

MANILA, Philippines- Magkakaroon na ng Kadiwa ng Pangulo sa loob ng compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, layunin nito na mapakinabangan din ang murang mga bilihin ng mga residente na malapit sa NBP.

Tatawagin ang Kadiwa bilang Pambansang Bilihan sa Bilibid sa Muntinlupa o PBBM.

Planong buksan ang Pambansang Bilihan sa Bilibid sa Muntinlupa sa September 13.

Ang konsepto, maglalagay ang BuCor ng espasyo sa mga supplier ng mga murang bilihin na kahalintulad ng Food Terminal Incorporated o FTI.

Nais ng BuCor na ang mga supplier na mismo ang magbabagsak ng suplay upang hindi na dumaan sa mga middleman. Teresa Tavares