Home NATIONWIDE NCR, 9 probinsya nagbabadyang ulanin ngayong Biyernes ng hapon

NCR, 9 probinsya nagbabadyang ulanin ngayong Biyernes ng hapon

MANILA, Philippines- Posibleng makaranas ang Metro Manila at siyam pang lalawigan ng moderate to heavy rain ngayong Biyernes ng hapon, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa isang thunderstorm advisory na inilabas kaninang ala-1:15 ng hapon, inaasahan ang pag-ulan sa capital region, Tarlac, Nueva Ecija, Quezon Province, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Pampanga, at Bataan sa susunod na dalawang oras.

Samantala, nakararanas naman ng heavy to intense rain showers sa Zambales (Candelaria, Santa Cruz, Masinloc) at Bulacan (San Ildefonso, San Miguel) at maaaring tumagal ng dalawang oras at makaapekto sa mga karatig-lugar.

Binalaan ang mga residente sa mga lugar na ito sa posibleng flash floods at landslides.

Magiging madalas ang pag-ulan sa mga darating na araw sa paglipat ng bansa sa wet season, ayon sa PAGASA.

Ayon pa sa state weather bureau, posibleng umiral ang La Niña, kung saan nakararanas ng above-normal rainfall, sa June-July-August season. RNT/SA